November 23rd, 2004

gastos nanaman!!!!

May lakad ako ng 8.. nagising ako ng 6..

nde naman ako excited eh.. malamang takot.. matagltagal na rin ako nde nakukunan ng dugo..

Sked ko ngaun para pa bloodtest for CBC and Creatinine.. CBC para malaman kung ok pa ba ako for monitoring sa cancer ko.. Creatinine para sa CTScan ko sa Friday, para din mai check kung wala na ba talaga after the radiotheraphy..

Kakatuwa.. kilala na kasi ako dun sa Alviar.. kung sana ko madalas magpabloodtest.. ngaun lagi na silang naka smile.. kasi noon parang nde sila maka smile kpag ako kinukunan nila ng dugo.. malamang natakot noon mukha siguro kasi akong goon sa penikula dun sa suot kong sumbrero (pics @ my funny mommy blog..)

Tapos.. nagpaduplicate ako ng susi.. grabeh ha ang tagal ni manong.. panay reklamo pa sa dala naming susi.. (sa huli nung tinesting namen.. PALPAK! galeng mo manong!! balik mo 45 pesos namin!)

Ililibre ko sana mommy ko sa Wendys.. kasi naman dinadala nya ako sa turo turo.. nde naman sa maarte ako.. ayaw ko dun sa tinuro nya kasi madaming langaw.. buti na lang nung huli nakita nya ung isang batalliong langaw a pumayag na sa iba na kami kumain..

Nung papalapit na kami sa Wendys.. sabay liko sya sa isang canteen.. (nanay ko tlga iwas gastos ililibre ko naman eh..) buti mas malinis sya dun sa nauna.. ayun dun sya masaya.. sa madaming ulam.. maraming tinda.. ung ituturo mo na lang tapos i seserve na sau.. edi un kumain kami.. solb solb nabusog! (197 lang nagstos ko.. sulit dba)

(GALLSTONES... mga bato sa gallbladder.. bagong isyu toh!!!)

Eto ang pinaka ayaw kong gastos ngaun..

ung ibinayad kong 500 pesos para sa consulta sa doctor.. lets call him DR KA-CHING! (ka-ching.. dba parang cash reg.. ung tanggap lang ng tanggap ng pera..)

Ganito kasi iniimagine ko pagpunta ko sa PGH.. marahil libre ung consultation.. kasi ganun ung unang doc ko.. Call na lang natin syang Dr Generous, sya ung doctor ko sa radiotheraphy.. nung unang consulta ko sa kanya.. libre.. nagbayad na lang ako nung nagplanning na kami.. eh ung bagong doctor ko.. 500 pesos agad..

Nde naman sa pagkukuripot.. kaya ako nag rereklamo eh.. ang masaklap lang kasi.. WALANG KA KWENTA KWENTA ung consultation namin sa kanya.. nakakainis pa syang sumagot.. parang kailangan lumebel ka sa katalinuhan nya o magmukha ka tlgang tanga at maniwala ka na lang sa kanya.. pakshet ang feeling huh!

pagpasok namin..

$_$ - *texting*(kulang na lang iignore kami)
>.< - *intay*
$_$ - yes? ahuh andito na mga rec.. ok.. nsan na ung mag ultrasounds mo?
>.< - *abot ultrasound results*
$_$ - how come may ultrasounds ka na? sumasakit na ba?
>.< - piankuaha po yan before and after my chemotherapy..
$_$ - aaah.. only thing we can do about that is OPERAHAN..
>.< *shocked* wala na po bang iba? baka pwede pong idaan sa gamot.. kasi may nakapagsabi baka pede po sa gamot..
$_$ - *sarcastic tone* Ha? walang gamot.. kailangan opera.. cnong nagsabe? malamang nde doctor ang nagsabe nyan..
>.< - wala na po bang ibang option?
$_$ - kung doc tatanungin mo.. aantayin namin sumakit yan bago tanggalin..
>.< - ahh.. err ganun po ba?.. magkano naman po kaya aabutin?
$_$ - forty thousand.. *nagkukuwenta sa hangin*
>.< - ho? fourteen? 1 - 4?
$_$ - Forty - Fifthy THOUSAND(with FEELINGS).. 4-0 or 5-0
>.< - *supershocked*
$_$ - un lang option mo..
>.< - *nagaantay ng iba pang sasabihin*
$_$ - *abot calling card* cge pag isipan mo..
>.< - ok po.. umm.. may babayaran po ba?
$_$ - secretary ko na lang po..

secretary - 500 pesos lang po..

pakshet 500 pesos para san? para sa calling card at sa pagbanggit lang sa akin kung magkano?

pag uwi.. eto nagbabasa ako ngaun about gallstones.. ang daming alternative medicines.. grabeh.. un nga lang.. may side effects.. best way nga eh ung open surgery.. pero.. pakshet tlga.. nde man lang nya inexplain.. edi sana.. nag internet na lang ako.. nde na ako nagpaconsulta sa kanya.. edi may 500 pa ulit kami..

bakla kasi eh.. nde man lang nag explain kung ano un o san nagmula.. isa lang masasabe ko.. pera lang isip nya.. la sya pakialam sa patients nya.. nakakainis noh?
Posted by schizophrenic_ at 01:17 PM | 1 says its reallly
schizophrenic_ requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on November 24th, 2004 at 01:33 AM
naghahanap na nga ako at the moment.. baka may mahanap akong mas maayos.. at ung nde BAKLA! >.